2 “Kaharian ng Berbanya”

Buod: Ang kaharian ng Berbanya ay pinamumuno at pinasiyahan sa pamamagitan ni Haring Fernando, isang maginoong, matalinong at mabuting hari. Dahil sa kanyang pamumuno, hinahangaan din siya ng mga hari ng ibang reyno. Ang asawa niya ay ang maganda at matinong Reyna Valeriana. Sila ay mayroong tatlong anak, sina Don Pedro, Diego at Juan. Si Don Pedro, ang kuya, ay maganda ang postura. Si Don Diego ay malumanay at mahinhin at parati sumusunod kay kuya Don Pedro. Si Don Juan, ang bunsong anak, ay mapagmahal na anak at mabait. Mahal silang tatlo ng kanilang magulang. Sa rito ng daanan nila, pinili nilang tatlo ang maging hari upang makapaglingkod sa Berbanya. Kaya pinag-aralan sila at sinanay humawak ng sandata ang tatlo. Umunlad ang buong kaharian ng Berbanya at masaya ang buhay ni Haring Fernando at ang kanyang pamilya. Ngunit nawala na ang saya sa isang gabi dahil sa isang masamang panaginip. Si Haring Fernando ay nanaginip na mayroong dalawang masamang taong nagtaksil at pinatay ang bunsong anak niya si Don Juan. Pagkatapos namatay, hinulog nila ang bangkay sa isang balon. Dahil sa panaginip niya, nagkasakit siya at lumapit sa kamatayan. Nagpatawag siya ng doktor pero iyang manggagamot ay hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando. Nalungkot ang buong palasyo kasi baka mamatay ang hari. Isang araw, dumating ang isang manggagamot upang tuklasin ang sakit ng hari. Ayon sa manggagamot, nagmula ang sakit sa masamang panaginip. Upang gagaling ang hari, kailangan ipakinggan sa hari ang awit ng Ibong Adarna ng nagtagpuan sa Bundok Tabor. Ang mahiwagang ibon ay nakatira sa puno ng Piedras Platas. Sa araw ang ibon ay nasa burol at sa gabi ay nasa puno. Agad pinapunta ng hari si Don Pedro sa Bundok Tabor para hahanapin at huliin ang Ibong Adarna.

Gabay na Tanong:
Mayroon ka bang isang karanasan katulad kay Don Fernando na nagkasakit dahil sa lungkot at takot? Ikuwento.
Sa tingin mo, bakit kaya ang tatlong anak ay pumili ng maging hari?
Sa tingin mo, sino sa mga anak ni Don Fernando ay magtatagumpay sa pagkuha ng Ibong Adarna? Bakit?

Mga Makabuluhang Sipi:
14 Si Don Pedro ang panganay
may tindig na pagkainam
gulang nito ay sinundan
ni Don Diegong malumanay.

Paliwanag:Dito ang paglalarawan ni Don Pedro at Don Diego.

Ang pangatlo’y siyang bunso
si Don Juan na ang puso’y
sutlang kahit na mapugto
ay puso ring may pagsuyo-15

Paliwanag:Itong saknong ay naglalarawan si Don Juan.

Ngunit itong ating buhay
talinhagang di malaman
matulog ka nang mahusay
magigising nang may lumbay-30

Paliwanag:Ang buhay ay isang talinhaga dahil pwede masaya ngayon at may lumbay mamaya.

Nang sa Haring mapakinggan
ang hatol na kagamutan
kapagdaka’y inutusan
ang anak niyang panganay.-46

Paliwanag:Iniutos ni Haring Fernando si Don Pedro na maghanda na para sa malaking paglakbay niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s