3 “Hamon kay Pedro”

Buod: Gusto ni Don Pedro na gumaling ang kanyang haring ama kaya naglakbay siya papunta sa Bundok Tabor. Sumakay siya sa kabayo at naglakbay nang tatlong buwan. Napunta siya sa isang mataas na bundok. Inakyat niya ito ngunit namatay ang kanyang kabayo. Naglakad siya hanggang dumating sa Bundok Tabor. Diyan, nakita niya ang punong kumikislap na parang dyamante. Marami at kakaiba ang mga dahon. Sa ilalim ng itong puno namahinga si Don Pedro habang naisipan na baka dito ang Piedras Platas na tirahan ng Ibong Adarna. Bumaba na ang araw at maraming ibon nagliliparan. Naghahanap si Don Pedro ng Ibong Adarna pero hindi niya nakita. Buong gabi naghihintay at naghahanap si Don Pedro ngunit wala siyang nakita. Natulog siya sa ilalim ng Piedras Platas at habang natulog siya, dumating ang Ibong Adarna. Kumanta ang Adarna ng pitong beses, at bawat kanta, umiba ang balahibo niya. Sa wakas ng mga kanta niya, tumae ang Ibong Adarna at napatakan si Don Pedro. Dahil sa mahiwagang tae, naging bato si Pedro.

Gabay na Tanong:

Totoong masunirin at masipag ba si Don Pedro? Bakit?

Ano ang kailangan ni Don Pedro para magtagumpay siya?

Sa tingin mo, kapalaran ba ni Don Pedro na maging bato?

Mga Makabuluhang Sipi:

Si Don Pedro’y tumalima
sa utos ng Haring ama
iginayak kapagdaka
kabayong sasakyan niya-47

Paliwanag:Aalis na si Don Pedro papunta sa Bundok Tabor.

May namasdang punungkahoy
mga sanga’y mayamungmong
sa nagtubong naroroo’y
bukod-tangi yaong dahon- 54

Paliwanag:Ito ay ang Piedras Platas, ang titirahan ng Ibong Adarna. Hindi alam si Don Pedro.

Pagkabigo’t pagtataka’y
kapwa nabibigay-dusa
hanggang pati ng pag-asa
sa sarili’y nawala na -68
Paliwanag:Naglarawan itong saknong ng bigo ni Don Pedro.

Sa masamang kapalaran
si Don Pedro’y napatakan
biglang naging batong-buhay
sa punong kinasandalan -79

Paliwanag:Ngayon, ang prinsipe ay isang bato sa ilalim ng Piedras Platas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s