4 Don Diego: “Ako Naman”

Buod: Hindi bumalik si Don Pedro. Inutusan ni Haring Fernando si Don Diego na hanapin ang kanyang kuya na hindi pa bumabalik, at ang Ibong Adarna. Limang buwan siyang naglakbay at katulad kay Don Pedro, dumating sa Bundok Tabor at nakita niya ang Piedras Platas. Dahil pagod na pagod siya, huminga siya sa ilalim ng Piedras Platas sa tabi ng isang bato na iba ang hugis at hinintay niya ang Ibong Adarna. Hinanap ni Don Diego ang Ibong Adarna pero wala rin nakita. Sa takipsilim, dumating ang Ibong Adarna. Natuwa at nakatulog si Don Diego sa kanta ng Ibong Adarna. Tulad ng dati, umawit ng pitong beses ang ibon at sa wakas ng kanta, tumae ang Ibong Adarna, napatakan si Don Diego at naging bato rin.

Gabay na Tanong:
Sa tingin mo, nakita ba si Don Diego ng ano ang nangyari sa Don Pedro?
Ano kaya ang gagawin ni Don Juan kapag nakita niya ang dalawang bato.?
Bakit hindi nagtagumpay si Don Diego?

Mga Makabuluhang Sipi:
Si Don Diego’y inatasang
hanapin ang naparawal
ang Prinsipe’y di sumuway
at noon di’y nagpaalam -81

Paliwanag:Wala si Don Pedro, kaya pinapunta si Don Diego sa Bundok Tabor.

Noon niya napagmalas
ang puno ng Piedras Platas
daho’t sanga’y kumikintab
ginto pati mga ugat -89

Paliwanag:Katulad ni Don Pedro, si Don Diego rin dumating sa Piedras Platas.

Sa upo’y di natagalan
ang Prinsipeng naghihintay
Ibong Adarna’y dumatal
mula sa malayong bayan -100

Paliwanag:Hindi katulad ni Don Pedro, gising pa si Don Diego nang dumating ang Ibong Adarna.

Katulad din ni Don Pedro
siya’y biglang naging bato,
magkatabi at animo’y
mga puntod na may multo -109

Paliwanag:Isa pang prinsipe ay naging batong nakasandal sa Piedras Platas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s