5 “Hangad Makatulong”

Buod: Si Don Diego ay hindi na nakauwi at nawala rin.  Nalungkot lalo at lumala ang sakit ni Haring Fernando. Gusto ni Haring Fernando na papuntahin ni Don Juan ang Piedras Platas para hanapin ang Ibong Adarna at sina Don Pedro at Don Diego, pero ayaw niya rin, dahil baka mawala at hindi na makabalik ang bunsong anak na si Don Juan. Ngunit, gusto makatulong si Don Juan kasi mahal niya ang kanyang tatay at ang mga kapatid niya. Hiniling ni Don Juan sa tatay niya ang bendisyon niya upang hanapin ang mga kapatid at ang Ibong Adarna. Sinabi ng hari ng kung mawala rin si Don Juan baka tuluyan na siyang mamatay. Sinabi ni Don Juan na gusto niyang umalis upang hanapin ang kapatid niya pero ayaw niyang aalis na walang paalam, natakot ang amang hari kaya pumayag na rin siya. Nalungkot ang hari at reyna sa pag-alis ni Don Juan. Naglakbay si Don Juan na naglakad lang at dala lang ang limang pirasong tinapay para sa baon. Sa buong paglakbay niya nananalangin siya sa Birheng Maria na bigyan siya ng lakas para kaya niyang tumiis ang mga paghihirap para sa hari, reyna at sa dalawang kapatid at protektahan sa panganib. Napag-isipan ni Don Juan na kakain lamang ng isang pirasong tinapay bawat isang buwan dahil limang buwan siyang naglalakbay para hindi magutom. Nanalangin siya sa Diyos at sa Birhen na tulungan siya habang umakyat siya sa bundok. Natulungan siya at nakarating siya sa itaas ng bundok. Nakita niya sa itaas ng bundok ang isang matandang may ketong.

Gabay na Tanong:
Anong klaseng tatay si Don Fernando?
Sa isip mo, magtayagumpay ba si Don Juan? Bakit?
Bakit halos walang gamit o pagkain nagdala si Don Juan?

Mga Makabuluhang Sipi:

Ama ko’y iyong tulutang
ang bunso mo’y magpaalam
ako ang hahanap naman
ng iyo pong kagamutan-115

Paliwanag:Si Don Juan rin ay gusto pumunta sa Bundok Tabor. Hindi siya gusto maging bato, gusto siyang tulungin ang pamilya niya.

Kaya tinik man sa puso
ang hiling ng mutyang bunso
ama ay nagwalang kibo’t
ang luha ay pinatulo-122

Paliwanag:Ayaw ang Hari na mawala rin si Don Juan kasi nawala na niya ng dalawang anak pero nagmahal si Don Juan ang tatay niya kaya gusto niya maglakbay.

Nang sa Birhe’y makatawag
ay sandaling namanatag
kumai’t nagpasalamat
sa Diyos, Haring mataas-137

Paliwanag:Itong saknong ay naglalarawan ng isang katangian ni Don Juan: madasalin.

Doo’y kanyang natagpuan
isang matandang sugatan
sa hirap na tinataglay
lalambot ang pusong bakal-140

Paliwanag:Nakita si Don Juan ang matandang ketongin, at gusto siya tutulungin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s