12 “Di Husto ang Tangan”

Buod:

Walang parehas sa ganda ang Armenyang Kabundukan. Hindi umuulan sa hapon, maraming iba’t ibang pagkain at walang taong nagaaway sa isa’t isa. Nagusap ang magkakapatid na dapat magkasama sila rito sa Armenya at gumawa sila ng sariling kaharian. Masaya at mapayapa ang buhay nila pero pagpalipas ng ilang buwan, nasawa sila sa buhay nila dahil laging gusto nila ng paghahanap ng hindi pa nahanap. Itong kuryusidad sa laging paghahanap ng misteryo ay ang dahilan bakit nagpunta sila rito.

Mga Gabay na Tanong:

Bakit maganda ang Armenyang kabundukan?

Bakit pumunta ang mga magkakapatid sa ibang lugar kahit sa ganda ng Armenya?

Ang Makabuluhang Sipi:

“Ibig nami’y sumama ka
nang mabuo ang ligaya,
sa anumang maging hangga
tayong tatlo’y magkasama.” -464

Paliwanag: Ang lahat ng mga magkakapatid ay nagkita sa bundok Armenya. Nagisip si Don Diego na mas masaya kung silang tatlo ay nabuhay sa Armenya na magkakasama at tumakas sa lahat ng mga suliranin sa buhay nila.

 

Ano pa ang hahanapin
kung ang nasa lang ay aliw?
Ngungit likas na sa ating
ang wala ay paghanapin. -474

Tayo’y hindi masiyahin

sa abot na ng pananaw

iniimbot pa rin naman

ang lahat na ay malaman. -475

Paliwanag: Pagkatapos ng ilang buwan na nagbubuhay sila sa Armenya, nasawa sila dahil lagi silang mag gutom na hanapin ang hindi pa nahanap sa buhay nila. Itong gutom ay ang dahilan sa paghahanap nila ng bagong lugar.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s