16 “Muling Pagtaksil”

Buod:

Kalalabas lamang nina Don Juan, Leonora at Juana sa balon. Noong nakita ni Don Pedro si Leonora, nabihag si Pedro sa kagandahan ni Leonora. Nainggit siya kay Juan dahil dito at nagtangkang pagtaksilan ni Pedro si Juan. Habang pauwi na sila sa Berbanya, naalala ni Leonora na naiwan ang kanyang singsing na dyamante sa kanyang lamesa. Kahit sinabi ni Leonora na ikalimutan ang singsing, bumalik pa rin si Juan sa balon para ikuha ito. Habang bumaba sa balon si Juan, pinutol ni Pedro ang lubid at bumagsak si Juan. Hinikayat ni Pedro si Leonora na siya na lang ang mahalin niya ngunit hindi pumayag si Leonora. Binuhat ni Pedro si Leonora pauwing Berbanya at iniwan nila si Juan sa balon. Pinababa ni Leonora ang kanang lobo para gamutin si Juan.

Mga gabay na tanong:

Ano ang pakiramdam ni Pedro noong nakita niya si Leonora?

Ano ang iniwan ni Leonora sa loob ng balon?

Ano ang ginawa ni Pedro habang bumababa si Juan sa balon?

Mga makabuluhang sipi:
Nabihag ng kagandahan
ni Leonorang matimtiman,
ang Prinsesa kung titigan,
titig na may kahulugan. -659

Paliwanag:Nagkaroon ng inggit si Don Pedro kay Juan noong umalis si Juan sa balon kasama si Donya Juana at Donya Leonora. Ang saknong na ito ay nagbibigay ng dahilan kung bakit nainggit si Pedro, nabihag kasi siya sa kagandahan ni Leonora.
Ngunit laking kataksilan
ng kapatid na panganay,
lubid niyang tangan-tangan
ay pinatid kapagkuwan. -670

Paliwanag:Pinapakita ng saknong na ito na makasarili si Pedro. Pinagtaksilan si Juan ni Pedro dahil iniisip lamang ni Pedro ang kanyang sarili at wala siyang pakialam kahit na mamatay si Juan basta kay Pedro si Leonora.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s