18 “Muling Paghahanap. Muling Pagtatagpo.”

Buod:

Bali-bali ang mga buto ni Don Juan noong naabutan ng lobo si Juan. Pumunta ang lobo sa Ilog Herdan para gamutin si Don Juan. Nagdala ng dalawang bote ang lobo, dalawa ang nasa paa at kagat ng bibig ang isa. Gumaling si Juan dahil sa tubig galing sa Ilog Herdan. Nagdasal kaagad si Juan sa Diyos. Iniwan na ng lobo si Juan at bumalik si Juan patungong Berbanya. Habang naglalakbay si Juan papuntang Berbanya, dinalaw siya ng malaking kapaguran at natulog siya. Natagpuan siya ng Ibong Adarna at ginising si Don Juan. Sabi ng Ibong Adarna na ikalimutin na si Donya Leonora at pumunta nalang sa Reyno de Los Cristales dahil may isang prinsesa roon na mas maganda pa kaysa kay Donya Leonora. Ang pangalan ng prinsesa na ito ay si Maria Blanca, anak ni Haring Salermo. Sumunod sa utos ng Ibong Adarna si Juan, pumunta sa Reyno de los Cristales at ikinalimutan na si Leonora dahil ang niya ay kay Maria Blanca.

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang ipinakita ni Don Juan sa pagdarasal sa Panginoon?
Saan pupunta si Don Juan? Bakit?
Ano ang ipinanggamot kay Don Juan?

Mga Makabuluhang Sipi:
“Yaong landas na matuwid
at ligtas po sa panganib,
O, ama kong iniibig
kasihan ka rin ng Langit!” -751

Paliwanag:Ang saknong ito ay isang halimbawa ng Panawagan. Ipinapakita sa saknong na ito na maka-diyos si Don Juan. Kahit lagi siyang tinataksilan ng kanyang mga kapatid, hindi niya sinisisi ang Diyos.

Ngunit siya ay dinalaw
ng malaking kapaguran,
humanap ng masilungang
ligtas sa init ng araw. -754

Paliwanag:Ang saknong ito ay isang halimbawa ng pagsasatao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s