21 “Bunga ng Pinaghirapan”

Buod:

Naglakbay ng matagal si Don Juan bago niya nakita ang Ermitanyo. Nang makita ng Ermitanyo si Don Juan, pinaalis niya si Don Juan. Hindi kumibo si Don Juan at ipinakita niya ang baro ng matanda. Dahil dito, gusto na tulungan ng Ermitanyo si Don Juan ngunit hindi niya alam ang Reyno de los Cristales kaya tinawag niya ang mga hayop sa Armenya. Hindi rin alam ng mga hayop ang Reyno de los Cristales kaya pinapunta ng Ermitanyo si Don Juan sa isa pang Ermitanyo. Nang makita ni Don Juan ang isa pang Ermitanyo, pinakita niya ang baro. Dahil dito, gusto siyang tulungan ng Ermitanyong ito pero hindi rin niya alam ang Reyno de los Cristales. Tinawag ng Ermitanyo ang mga ibon sa bundok para tanungin kung alam nila ang Reyno de los Cristales. Hindi rin nila alam pero nakita ng hari na hindi pa pala dumadating ang Agila. Nang dumating ang Agila, nagalit ang Ermitanyo at tinanong kung bakit tumagal ang Agila. Sinabi ng Agila na galing kasi siya sa Reyno de los Cristales. Pinadala na ng Ermitanyo sa Agila si Don Juan sa Reyno de los Cristales.

Mga Gabay na Tanong:

Bakit kaya pinaalis ng mga Ermitanyo si Don Juan nang unang makita nila siya?

Sino talaga ang matanda na nakita ni Don Juan sa Kabanata 20?

Bakit kaya hindi alam ng mga Ermitanyo at mga hayop at ibon kung saan ang Reyno de los Cristales?

Mga Makubuluhang Sipi:
Pagkakita sa Prinsipe
ang matanda ay pumiksi:
“Ikaw tuksong pagkalaki
lumayo sa aking tabi. -860

Paliwanag: Nang makita ng Ermitanyo si Don Juan, pinaalis niya ito.
Ano ang tingin ng Ermitanyo kay Don Juan?
At nagwika ng ganito:
“Hesus na Panginoon ko,
isang galak ko na itong
pagkakita sa baro Mo.” -866

Paliwanag:Sinasabi nito na si Hesus ang matandang nakita ni Don Juan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s