22 “Agad Kitang Mahal”

Buod:

Dumating si Don Juan at ang Agila sa paliguan ng mga prinsesa ng madaling araw. Bago umalis ang Agila, sinabi niya kay Don Juan na dapat magtago muna siya. Naghintay si Don Juan at dumating na rin ang mga prinsesa. Nakita ni Don Juan na maganda nga talaga si Donya Maria. Habang naliligo si Donya Maria, hindi makatiis si Don Juan at ninakaw niya ang damit ni Donya Maria. Hinalik pa niya ang damit ni Donya Maria. Nang lumabas sa paliguan si Donya Maria, nakita niya na nawala na ang kanyang mga damit at nagalit pa. Lumabas at hinarap ni Don Juan si Donya Maria pagkatapos ng isang oras. Si Don Juan ay lumuhod at humingi ng tawad habang sinasabi na mahal niya si Donya Maria. Naawa si Donya Maria at sinabi na hindi na niya paparusahan si Don Juan. Nag-usap ang magsinta at nalaman nila na mahal nila ang isa’t isa.

Mga Gabay na Tanong:

Ano ang pinaghambing ni Don Juan kay Donya Maria? Ihambing ito sa mga pinaghambing ni Don Juan kay Donya Leonora.

Bakit ninakaw ni Don Juan ang damit ni Donya Maria?

Bakit hindi na pinarusahan ni Donya Maria si Don Juan?

Mga Makubuluhang Sipi:

Nang lumusong na sa tubig
“Aba, Palaba ng langit,
hininga ko ma’y mapatid
ikaw rin ang iniibig. -955

Paliwanag:Sinasabi nito na maganda talaga si Donya Maria at kahit man mamamatay na si Don Juan, mamahalin pa rin niya si Donya Maria.
Palaba ng langit = pagwawangis. Si Donya Maria ay Palaba ng langit.

“Maging apoy na mainit
na ang ningas ay malupit,
pag nasubhan na ng tubig
pinapatay rin ng lamig. -974

Paliwanag:Sinasabi nito na nawala ang galit ni Donya Maria dahil sa awa kay Don Juan.
Ito ay isang aporismo. Sinasabi nito na kahit ang galit nawawala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s