23 “Ang Pagusbok sa Binatang Nagmamahal”

Buod:

Ipinakita ni Donya Maria ang mga taong lumigaw sa kanya dati na naparusahan at naging bato. Sinabi niya na ang kanyang ama, si Haring Salermo, ay ang gumawa nito kaya dapat makinig ng mabuti si Don Juan sa mga bilin ni Donya Maria para hindi siya maging bato rin. Sinunod ni Don Juan ang utos ni Donya Maria na hindi tanggapin ang pag-alok ng hari na pumasok sa palasyo. Dahil dito, binigay ni Haring Salermo si Don Juan ng isang imposibleng gawain. Binigay niya ang trigo kay Don Juan. Sinabi niya na dapat pumunta siya sa isang bundok at tibagin ang lupa. Pagkatapos tibagin ang lupa, dapat ikalat ni Don Juan ang trigo. Dapat patubuin, pamungahin, at anihin sa gabing iyon. Pagkatapos anihin ang trigo, dapat gumawa si Don Juan ng tinapay gawa ng trigong ito at dapat bigyan sa hari pagkagising niya. Dahil sa mahika ni Donya Maria, nagawa ito ni Don Juan.

Mga Gabay na Tanong:

Bakit kaya ayaw ng hari na ipakasal ang kanyang anak?

Paano ipinakita ang pagkakaiba ni Donya Maria sa mga ibang babae sa kwento?

Makubuluhang Sipi:

“Lahat ng dapat mong gawin
ang pagyari’y nasa akin,
matulog ka nang mahimbing
at masaya kang gigising.” -1045

Paliwanag:Sinabi ito ni Donya Maria kay Don Juan. Ipinapakita nito ang pagkakaiba ni Donya Maria sa mga ibang babae sa kwento. Si Donya Maria ay gumagawa ng lahat habang si Don Juan ay matutulog lamang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s