24 “Tagisan at Talino”

Buod:

Sa kabanatang ito, ipinagawa ni Haring Salermo kay Don Juan ang mga iba’t ibang imposibleng gawain ngunit nagtagumpay pa rin siya dahil sa mahika ni Donya Maria. Ngunit, hindi sinunod ni Don Juan ang utos ni Donya Maria sa isang gawain kaya naputol ang dulo ng daliri ni Donya Maria. Mayroong pagpapaulit-ulit na nangyayari rito. Si Haring Salermo ay nagbibigay ng utos na dapat tapusin sa pagdating ng susunod na araw at tatanggapin nito ni Don Juan. Pagdating ng gabi, magkikita sina Don Juan at Donya Maria at sasabihin ni Don Juan kung ano yung binilin ng hari. Dahil sa tulong at mahika ni Donya Maria, nagtatagumpay si Don Juan at babalik na siya sa hari para ipakita sa kanya na nagawa nga niya ang utos. Pagkatapos, mag-iisip si Haring Salermo ng bagong pagsubok para kay Don Juan.

Mga Gabay na Tanong:

Bakit naputol ang daliri ni Donya Maria?

Ano ang pagkakaiba sa papel nina Don Juan at Donya Maria sa kanilang relasyon sa papel nina Don Juan at Donya Juana o Donya Leonora?

Ang Makabuluhang Sipi:
Narinig ng mga ita
ang tinig ni Donya Maria,
lahat ay nag-unahan na
nag pasilid sa praskera -1085

Paliwanag:Ipinapakita nito ang impluwensiya at kapangyarihan ni Donya Maria na kahit ang mga ita ay natatakot sa kanya.

Saka parang nangangarap
nagsalita nang malakas:
“Ako’y hindi nga papayag
magahis ng isang hamak.” -1094

Paliwanag:Ipinapakita ng saknong na ito na ayaw talaga ng hari ipakasal ang kanyang anak kay Don Juan at gagawin niya ang kahit ano para hindi ipakasal ang kanyang anak.

Ugali ng mga pusong
nauuhaw sa pagsuyo
kapag sila’y nagkatagpo
anong hirap na mapugto! -1114

Paliwanag:Ito ay isang aporismo. Sinasabi nito na kapag nagkikita ang mga magsinta, hindi sila makakaalis dahil sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Paghanap ay natagalan
nang di gayun-gayon lamang,
nakatulog si Don Jua’t
ang pangako’y nalimutan -1218


Sa pagtadtad sa Prinsesang
oras ay hinahabol na,
tumalsik nang di napuna
dulo ng daliri niya. -1233

Paliwanag:Ipinapakita nito na hindi sinunod ni Don Juan ang utos ni Donya Maria. Ipinapakita naman ng saknong 1233 ang bunga ng saknong 1218: naputol ang dulo ng daliri ni Donya Maria.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s