25 “Malayang Umiibig”

Buod-

Natapos din ni Don Juan ang lahat ng pagsubok ni Haring Salermo, ngunit hindi pa niya binigay si Donya Maria kay Don Juan para magpakasal silang dalawa. Dahil dito, nalungkot si Donya Maria. Binigyan ni Haring Salermo si Don Juan ng huling pagsubok: Pwedeng piliin ni Don Juan ang kanyang asawa sa mga anak ni Haring Salermo, pero kailangan niyang piliin na ang hintuturo lamang ng tatlong babae ang kanyang nakikita. Hindi inasahan ni Haring Salermo na tama ang magiging pagpili ni Don Juan. Dahil dito, nagplano si Haring Salermo para patayin si Don Juan. Narinig ni Donya Maria ang plano ng hari at sinabi niya ito sa kanyang kasintahan, si Don Juan. Umalis sina Don Juan at Donya Maria sa Kahariang de los Cristales pero nagkamali si Don Juan sa pagpili ng kanilang kabayo. Kailangan niyang piliin ang ikapitong kabayo, ang pinakamabilis na kabayo sa lahat, pero pinili niya ang ikawalong kabayo, ang pinakamabagal sa lahat. Sinundan ng hari ang prinsipe at ang prinsesa gamit ang pinakamabilis na kabayo. Nakatakas sila dahal ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahika. Bago sila pumunta sa Berbanya, hiniling ni Haring Salermo na kapag tumapak si Don Juan sa Berbanya, makakalimutan niya si Donya Maria. Umalis na ang prinsesa at prinsipe papunta sa Kahariang Berbanya. Dahil sa sobrang sama ng loob, nagkaroon ng malubhang sakit ang hari at namatay siya.
Mga Gabay na Tanong:

Paano nalaman ni Don Juan kung anong silid nakatago si Donya Maria kahit ang hintuturo lang ang nakikita niya?

Bakit hiniling ni Haring Salermo na makalimutan ni Don Juan si Donya Maria kapag tumapak sila sa Berbanya?

Bakit ba masama ang ginawa ni Haring Salermo kay Donya Maria kahit anak niya ito?
Mga Makabuluhang Sipi:


“O, si Ama!” ang nawikang
buong lungkot at naluha,
“bakit siya gayon kaya
sa anak ay walang awa? -1328

Paliwanag:Ito ay isang halimbawa ng Kabalintunaan. Ipinapakita sa saknong ito ang tingin ni Haring Salermo sa kanyang anak, si Donya Maria. Kahat siya ay kanyang anak, mayroon pang masamang ginagawa si Haring Salermo kay Donya Maria.
Ang nakuha’y ikawalo
sa halip na ikapito,
ang sisiha’y di gaano
nang makita ang kabayo. -1340

Paliwanag:Ipinapakita ng saknong ito ang isa sa mga pagkakamali ni Don Juan sa huling bahagi ng kuwento. Nakuha niya ang ikawalong kabayo, ang pinakamabagal, sa halip na ikapito, ang pinakamabilis. Makikita na habang tumatanda si Don Juan, mas marami ang kanyang pagkakamali.
Sadyang ganyan tayoung tao
habang bata’y walang tuto,
labang-laban sa pagtungo’t -1378
laging taas yaong ulo

Paliwanag:Ito ang isang halimbawa ng Aporismo. Sinasabi ng saknong ito na habang bata pa tayo, wala pa tayong alam tungkol sa buhay kaya palaging iniisip natin na tama tayo. Nagiging mayabang tayo kaya ayaw natin ibaba ang ating sarili sa harap ng mga iba.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s