26 “Ikakasal Ka Nga Ba?”

Buod:

Malapit na ang mga kasintahan sa Berbenya pero ayaw ni Don Juan pumasok si Donya Maria sa kaharian. Sinabi niya na kailangan niya munang ihanda ang palasyo para kay Donya Maria. Nangako siya na babalik siya kay Donya Maria pagkatapos sa kanyang paghahanda. Iniwan ni Don Juan si Donya Maria sa Ermepolis. Bago umalis si Don Juan, hiniling ni Donya Maria kay Don Juan na huwag siyang kalimutan at huwag lumapit sa mga ibang babae. Hindi sumunod si Don Juan sa hiling ni Donya Maria. Natupad ang mga sinabi ni Haring Salermo bago umalis sila sa Kahariang de los Cristales: Noong hinalikan ni Don Juan si Donya Leonora, nakalimutan niya ang pangako niya kay Donya Maria. Nagsaya ang kanyang pamilya at ang buong Berbanya sa pagbalik ni Don Juan. Sinabi ni Donya Leonora ang katotohanan kay Haring Fernando na si Don Juan ang tunay na nagligtas sa kanya at ang kanyang kapatid, si Donya Juana, mula sa balon. Nagplano na sina Don Juan at Donya Leonora para sa kanilang kasal. Nalaman ni Donya Maria na nakalimutan ni Don Juan ang kanyang pangako. Ikakasal na sina Don Juan at Donya Leonora sa susunod na linggo pero gumawa si Donya Maria ng plano para paalalahanan ang kanilang pag-ibig kay Don Juan.
Mga Gabay na Tanong:

Sa palagay ninyo, bakit nakalimutan ni Don Juan si Donya Maria pagkatapos nayakap niya si Donya Leonora?

Bakit hindi lang dinala ni Don Juan si Donya Maria sa loob ng kaharian?
Mga Makabuluhang Sipi-

“Hinihingi ko sa iyong
pagdating mo sa palasyo
iwasan sanang totoo
sa babae’y makitungo. -1396

Paliwanag:Ipinakita ng saknong ito ang hiniling ni Donya Maria kay Don Juan. Sinabi ni Donya Maria na hindi dapat lumapit sa mga ibang babae kasi baka makalimutan niya si Donya Maria. Alam na natin na hindi sumunod si Don Juan sa hiling na ito.
Ang pangakong bablikan
nang araw ding magpaalam,
inabot ng tatlong araw
pangako’y bulang natunaw. -1435

Paliwanag:Ito ay isang halimbawa na Pagwawangis. Sinasabi ng saknong ito na gaya ng bulang natunaw, nawala ang pangako ni Don Juan kay Donya Maria. Alam natin ito dahil sinabi sa saknong na naghintay ng tatlong araw si Donya Maria, pero hindi bumalik si Don Juan sa kanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s