27 “Bakas ng Nalimot na Lumipas”

Buod:

Sa araw ng kasal, ginamit ni Donya Maria ang kanyang mahiwagang singsing para pumasok sa palasyo. Ginamit din niya ang singsing para magpakita bilang isang emperatris at matupad ang lahat niyang hiniling. Nagustuhan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana si Donya Maria dahil napakaganda ng karosa at damit niya. Dahil dumating si Donya Maria, ipinatigil ang kasal pero hindi pa siya maalaala ni Don Juan. Bilang regalo sa mga ikakasal, nagbigay si Donya Maria ng isang palabas. Nagsimula ang palabas gamit ng mahika ni Donya Maria. Sa pagdula, sinabi ng negrita ang mga karanasan nina Don Juan at Don Maria sa de los Cristales at ang pangako ni Don Juan kay Donya Maria. Ngunit, hindi pa maalala ni Don Juan si Donya Maria. Kahit na ang suntok ng negrita sa negrito ay naramdaman ni Don Juan, hindi pa rin maalala ang kanyang mahal, si Donya Maria. Pagkatapos ng palabas, nawala bigla ang mga artista.  Ang naiwan lang ay isang praskong balot ng pilak na ang laman ay tubig.
Mga Gabay na Tanong:

Magkatulad ba ang singsing na ginamit ni Donya Maria sa singsing na ginamit ni Haring Salermo sa ibang bahagi ng kuwento? Paano?

Anong kahalagahan ng praskong balot ng pilak sa kuwento?
Mga Makabuluhang Sipi-

Si Donya Maria’y nagbihis
gayak niyang emparatis,
ganda sa matang tititig
Serafin mandin sa langit. -1443

Paliwanag:Ginagamit ng saknong ito ang Pagwawangis para ilarawan ang hitsura ni Donya Maria pagkatapos nagbihis siya gaya ng isang emperatris. Siya ay sobrang ganda, singganda ngisang Serafin o anghel.
Napuna ni Donya Mariang
ang palabas ma’y maganda,
si Don Juan ay lalo pang
wiling-wili kay Leonora. -1542

Paliwanag:Sa kabanatang ito, ipinapakita na kahit anong nangyari sa palabas at anong gawin ni Donya Maria, minamahal pa rin ni Don Juan si Donya Leonora. Nakalimutan pa rin ni Don Juan si Donya Maria kahit nakita niya ang palabas tungkol sa mga nangyari sa kanila sa Kahariang de los Cristales.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s