28 “Nabalik na Alaala ng Pag-ibig”

Buod:

Dahil sa sobrang galit, kamuntik nang basagin ni Donya Maria ang prasko. Noon lang naalala ni Don Juan si Donya Maria at nagyakapan sila. Alam ni Don Juan na minamahal pa siya ni Donya Leonora, pero mas mahal ni Don Juan si Donya Maria. Sinabi ni Don Juan kay Donya Maria ang mga nangyari sa kanya at humingi ng tawad. Inihandog ni Don Juan si Donya Leonora kay Don Pedro para hindi na sila mag-away. Ipinagbawal ng arsobispo at ng magulang niya ang pagpakasal nina Don Juan at Donya Maria. Dahil sa galit, inuksan ni Donya Maria ang prasko at binuhos niya ang laman. Nagkaroon ng baha sa Berbanya. Natigil ang baha dahil hiniling ni Don Juan kay Donya Maria na patigilin ito. Nagpasalamat din si Don Juan kay Donya Leonora dahil sa tulong na ibinigay ni Donya Leonora sa kanya.

Mga Gabay na Tanong:
Ano kaya ang dahilan kung bakit naalala lang ni Don Juan si Donya Maria noong kamuntik nang basagin ni Donya Maria ang prasko?

Bakit si Donya Maria ang pinili ni Don Juan para maging kanyang asawa kahit na nangako muna si Don Juan kay Donya Leonora bago kay Donya Maria?

Mga Makabuluhang Sipi:

Babasagin na ang prasko
upang gunawin ang reyno,
ang lahat na sa palasyo’y
nagitlahanang totoo. -1579

Noon lamang nagliwanag
kay Don Juan ang lumipas,
nakilala at niyakap
ang Prinsesang kanyang liyag. -1580

Paliwanag:Sinasabi ng mga saknong ito na naging desperado na si Donya Maria dahil hindi pa naalala ni Don Juan ang kanilang pag-ibig. Naalala lang niya ito noong kamuntik nang basagin  ni Donya Maria ang prasko at nanganib ang buong kaharian ng Berbanya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s