29 “Masaya ang Buhay”

Buod:

Pero, alam ni Don Juan na mas uunlad ang Berbanya kapag si Donya Leonora ang magiging asawa ni Don Pedro. Nagpakasal si Donya Maria kay Don Juan. Si Donya Leonora ay naging asawa ni Don Pedro. Masaya si Donya Maria pero tahimik lang si Donya Leonora pagkatapos ng kasal. Pinili ni Don Fernando si Don Juan bilang kanyang kapalit pero sinabi ni Donya Maria na dapat ibigay ang korona kay Don Pedro para matigil ang pag-aaway ng mga magkapatid. Naging hari ng Berbanya si Don Pedro at si Donya Leonora ang naging kanyang reyna. Umalis sina Don Juan at Donya Maria papuntang Kahariang de los Cristales at naging hari si Don Juan sa kahariang ito. Masaya ang lahat ng tao habang sila ang namuno. Noong namatay na ang hari at reyna, nagluksa ang buong bayan. Pinagdasal nila ang kanilang mga mabuting pinuno.

Mga Gabay na Tanong:

Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Donya Leonora noong pinili ni Don Juan si Donya Maria?

Bakit walang ginawa o sinabi si Donya Leonora tungkol sa kanyang kasal?

Mga Makabuluhang Sipi-

Ano pa nga’t bawat hakbang
daraan sa kasunduan,
kaya ilas ang alita’t
tiwasay ang pamumuhay.-1714

Mga halimbawang ito’y
namana ng mga tao,
kaya sila nang yumao
nagluksa ang buong reyno. -1715


Paliwanag:Inilalarawan ng mga saknong ito ang buhay ng mga tao noong hari si Don Juan at reyna si Donya Maria. Naging payapa ang Kahariang de los Cristales dahil mabubuting pinuno sila. Masaya ang kanilang monarka kaya umunlad ang kanilang bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s