11 “Inggit ang Sanhi”

Buod:

Pinatawad sila Don Pedro at Don Diego pero sa puso ni Don Pedro ay mayroong pang inggit at galit dahil sa hiya nakuha niya sa pagtaksil niya kay Don Juan.  Lumaki ang galit niya kaya nagisip siya ng isang plano para mapahiya nila si Don Juan. Isang gabi, nagsabay sina Don Pedro at Don Diego nagtanod ang Ibong Adarna. Nag-uusap sila hanggang sa ikasampu, ginising ni Don Diego si Don Juan kahit hindi pa ang oras niya para magtanod. Sobrang maantok ni Don Juan na hindi niya makabantay ang Ibon at natulog siya. Habang natutulog si Don Juan, pinawala ng kanyang mga kapatid ang Ibong Adarna. Paggising ni Don Juan, natakot siya sa anong mangyayari sa mga kapatid niya kaya umalis siya sa Berbanya. Sa umaga, habang naglalakad ang hari, nakita niya na nawala ang Ibon at siya ay nagalit. Nagtanong siya kung sino ay ang nagtanod, sinabi ng mga anak niya na si Don Juan. Sinabi ng hari na hanapin si Don Juan. Naghanap sila hanggang nakarating sila sa Armenyang Kabundukan.

Mga Gabay ng Tanong:

Bakit nainggit si Don Pedro kung pinatawd na siya ng hari at ni Don Juan?

Ano ang nakikita nating bagong pagkatao at pagiisip ni Don Juan? Ihambing ang isip niya sa simula ng kwento at ngayon.

Napagtagumpay ba si Don Pedro sa plano niya? Bakit?

Ang Makabuluhang Sipi:

Datapwat O! ang inggit!
Sawang maamo’y malupit,
pag sinumpong na magganid
paginoo’y nililingkis. -413

Paliwanag:Sinasabi ng saknong ito na kahit pumipigil at gustong makontrol ni Don Pedro ang inggit niya kay Don juan, hindi niya ito makakaya.

Noon siya napagsukat
ang tao sa palang palad
matiwala ay mahirap
daan ng pagkapahamak. -428

Paliwanag:Sinasabi ito ni Don Juan na mahirap magtiwala sa ibang tao dahil masasaktan ka lang.  Nakita natin na naiiba na ang pag-iisip ni Don Juan dahil sa mga iba’t ibang masamang karanasan niya.

Gayon pa ma’y patuloy rin
tulad niya’y mamanmansing
nang sa dagat ay alatin,
walang huli’y naroon din.440

Paliwanag:Hindi natupad ang plano ni Don Pedro dahil gusto niyang mapahiya si Don Juan at magkaroon ng puri sa ama niya pero wala sa mga ito ang nakuha niya. Sinabi lang ng ama niya na dapat niyang hanapin si Don Juan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s