8 “Bunga ng Masamang Gawa”

Buod:

Nang pauwi na sila sa Berbanya, nakaisip ng masamang balak si Don Pedro kay Don Juan. Sinabi ka agad ni Don Pedro kay diego ang masmang balak na bugbugin si  Don Juan. Noong una di nakapag desisyon si Don Diego ngunit sa bandang huli ay pumayag din siya. Binugbog nila si don juan hanggang mag mukhang patay na siya, pero hindi ito gumanti at sinabi lang niya na tigilin na nila ito. Ito ay kanilang ginawa dahil sila ay naiingit kay Don Juan dahil siya ang nakakuha ng ibon at dahil siya ang makakuha ng puri sa hari. Noong pagdating nila sa Berbanya dala ang ibon  hinanap ng hari si Don Juan at sinabi ng kanyang dalawang kapatid na hindi nila alam kung nasaan si Don Juan. Dahil dito nalunkot muli ang hari at mas lalaong nag kasakit ito.Nagtataka rin ang hari dahil di kumakanta ang ibon at pumapangit ang kulay nito. Ayaw umawit nito dahil wala ang nakakuha nito na si Don Juan.

Mga Gabay na Tanong:


Ano ang balak ni Don Pedro kay don juan?
Ano kaya ang dahilan sa pag-bubugbog kay Don Juan?
Bakit Hindi kumakanta ang ibon?
Ano ang bunga ng masamang gawa?
Bakit kaya pumayag si Don Diego sa plano ni Don Pedro?

Mga Makabuluhang Sipi:

Nagsilakad na ang tatlo
katuwaa’y nag-ibayo,
datapwat si Don Pedro’y
may masama palang tungo-233

Paliwanag:Sinasabi nito na biglang naka isip si Don Pedro na masamang balak habang sila ay nag lalakad patungong Berbanya. Naisip niya na bugbogin nila si Don Juan dahil naiingit siya kay Don Juan at  para sila ang makakuha ng papuri sa hari. Ang parati nangyayari ngayon, parati nagagawa ng mga pangnganay na anak  ang hamon ng kanilang magulang pero sa kanyang kalagayan parati nagagawa ng bunso ang hamon ng hari.
Ibo’y ayaw ring kumanta
pagkat dinaramdam niyang
yaong may-ari sa kanya
sa palasyo ay wala pa -272

Paliwanag:Sinasabi nito na hindi kakanta ang ibon hanggang dumating ang kumuha sa kanya. Wala pa si Don Juan sa Berbanya dahil siya ay binugbog ng kanyang dalawang kapatid. Parang ito ay isang Karma dahil sa ginawa nina Don Pedro at Don Diego sa pag bubugbog kay Don Juan, akala nila na sila ang makakauha ng papuri sa hari pero wala pa rin nangyari sa kanilang dalawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s