Ang Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna ay ang mahiwagang ibon na hinanap ng mga magkakapatid sa unang bahagi ng kuwento. Laging bumabalik ang Ibong Adarna sa punong Piedras Platas sa taas ng Bundok Tabor. Ang kanyang kanta ay kayang gamutin nang kahit anong sakit, at ang mga taong napatakan niya ay nagiging bato. Kumakanta siya ng pitong beses gabi-gabi at kapag mayroong taong nakatulog sa kanyang paligid, pinapatakan niya ito. Sa kwentong “Ibong Adarna,” naging bato sina Don Pedro at Don Diego dahil sa Ibong Adarna, ngunit nahuli ni Don Juan ang Ibong Adarna para gamitin niya ang awit ng ibon bilang lunas sa sakit ng kanyang ama. Pagkatapos nagamot na si Don Fernando, pinawala nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna. Pagkatapos nang ilang taon, bumalik muli ang Ibong Adarna kay Don Juan para tulungan siya. Ang Ibong Adarna ay isang importanteng tauhan dahil siya ang dahilan para sa iba’t ibang paglakbay ng mga tauhan sa kuwento.